Maligayang Pagdating sa akingwebsite! :)
maybahay. ina. mag-aaral. estudyante. guro
" To Teach is to learn twice" isang katagang dala-dala ko hanggang sa kasalukuyan. Naniniwala na ang pagtuturo ay dalawang bagay ang pagbabahagi at pagkatatuto sa sinumang iyong makakasalamuha.
Ako si Gng. Ria Vicente - Gomez. Isang guro sa Filipino sa Hayskul.
Ako si Gng. Ria Vicente - Gomez. Isang guro sa Filipino sa Hayskul.
Hindi ko masasabing nasa dugo ng aming pamilya ang pagiging guro. Hindi ko rin masasabi ng dahil sa aking mama kaya ako naging guro. Marahil ito ang nakatadhana sa para sa akin , hindi pinili ..isang biyaya. Bata pa lamang ako ay laman na ako ng kalsada. Siguro kung tatanungin mo ang mga kapitbahay namin kung magiging "ano" ako sa aking pagtanda, iisa lang ang kanilang sasabihin.."isang guro". Talagang hilig kong magturo sa mga bata. Natutuwa ako kapag nakikita kong natuturuan kong magbasa ang mga bata ng dahil sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na iyon..sabi ko sa aking sarili...pagtanda ko..ako'y magiging isang guro.
|
Ako ay nagtapos noong 2007 ng kolehiyo sa Philippine Normal University sa kursong Batchelor of Secondary in Education, Major in Filipino at mayroong espesyalisasyon sa Reading.
Sa kasalukuyan, ako ay kumukuha ng masteral sa Philippine Normal University sa kursong Master in Education in Filipino. |
|
Sa kasalukuyan, ako ay nagsisilbi bilang isang guro sa De La Salle Sanitago Zobel bilang isang guro sa Filipino sa sekondarya. .
2009 - 2010 - Ikalawang Taon sa Hayskul 2010 - 2011 - Ikalawang Taon sa Hayskul 2011 - 2012 - Ikatlong Taon sa Hayskul 2012 - 2013 - Ikatlong Taon sa Hayskul 2014 - 2015 - Ikatlong Taon sa Hayskul 2015 - 2016 - Ikapitong Baitang |