Ayon nga kay Badayos, "Ang Pagtataya ay isang sukatan ng pagkatuto ng isang mag-aaral", salungat sa dating kaalaman ng mga guro na ang pagtataya ay paraan upang kumuha lamang ng marka at mayroong mailalagay sa class record ng guro. Sa pagsapit ng ika-21 siglo , napakaraming mga eksperto at mga guro ang nakaiisip ng iba't ibang mga makabuluhan at malikhaing paraan upang mataya ang pagkatuto ng bawat mag-aaral. Magmula sa pagmememorya patungo sa mga proyektong nangangailangan ng kritikal na pag-iisip at sumasagot sa mga kasalukuyang problemang panlipunan.
Sa portfoliong ito, ibabahagi ng guro ang kanyang mga inihandang mga gawain at pagtataya na ibinigay sa kanyang mga mag-aaral sa loob ng isang taon sa kanyang bawat inihandang modyul. |