Deskripsyon ng Pamantayan sa Pagganap
FILIPINO 7 - T.P. 2015 -2016
Unang Termino:
Naglunsad ng patimpalak sa paggawa ng isang music video ang Departamento ng Turismo sa pakikipag-ugnayan sa Departamento ng Edukasyon. Dalawa ang layunin ng patimpalak na ito. Una: Maipakita ang talino at kakayahan ng mga mag-aaral sa hayskul. Ikalawa: Maipakita ang mayamang kultura ng Mindanao at Visaya upang maitaguyod at maisulong ang responsableng turismo sa mga lugar na ito. Ang magwawaging music video ang opisyal na gagamitin ng DOT sa mga patalastas sa telebisyon at kampanyang panturismo sa mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa. Dahil bukas ang paligsahan sa lahat ng mga mag-aaral sa hayskul, lumahok ka at ang iyong mga kaibigan/kaklase. Ang music video ay huhusgahan ayon sa rubrik na nakalahad sa ibaba.
|
Paghahanda ng mga mag-aaral para sa kanilang Pamantayan sa Pagganap
|
Halimbawang Bidyong Panturismo |
|
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang lugar
GRASPS Naglunsad ng patimpalak sa pagbobrodkast ng balita sa Filipino ang ABS-CBN sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Bukas ito sa lahat ng mag-aaral sa ika-7 baitang. Layunin ng patimpalak na ito na tumuklas ng mga batang may angking husay sa pagbabalita sa Filipino. Ang magwawagi ay magiging bahagi ng ilulunsad na programang balitaan para sa mga kabataan. Ang unang antas ng paligsahan ay sa paaralan isasagawa kaya ikaw at ang iyong mga kaklase ay lalahok dito. Ang Ulat balita ay huhusgahan ayon sa rubrik na nakalahad sa ibaba:
|
|
|
|
Nakapagtatanghal ng Dulang Pantanghalan na nagpapakita ng mga pagpapahalaga at pangyayari sa kasalukuyang panahon na may kaugnayan sa mga pangyayari sa Ibong Adarna gamit ang angkop na gramatika/retorika
Naglunsad ang DepEd at Philippine Educational Theater Association (PETA) ng isang patimpalak sa pagbuo ng isang kontemporaryong dulang hango sa mga aral at pagpapahalagang matatagpuan sa koridong Ibong Adarna. Huhusgahan ang inyong ginawa ayon sa mga sumusunod na batayan:
Kahusayan sa pagganap 25%
Husay sa pagdeliber ng mga dayalogo (wastong bigkas at intonasyon) 25%
Mga Kagamitan o Props na ginamit upang maging mas makatotohanan ang dula 25%
Nilalaman at Husay sa Pagkakasulat Iskrp 25%
KABUUANG PUNTOS: 100%
Mekaniks:

- Hahatiin sa 6 grupo ang buong klase. (6-7 miyembro kada grupo)
- Bawat isa ay bibigyan ng partikular na pagpapahalagang Pilipino na sinasalamin ng Ibong Adarna na dapat nilang isadula.
- Magtatakda ang mga grupo ng kanilang tagasulat ng iskrip, tagapaghanda ng mga props, direktor, at mga gaganap.
- Maghahanda ang bawat grupo ng kanilang iskrip. Kinakailangang handa na ang iskrip sa, ika-7 ng Marso para sa pagsisimula ng pag-eensayo para sa pagtatanghal.
- Ang lahat ng grupo ay bibigyan ng pagkakataong mag-video ng kanilang pagtatanghal sa mga oras ng klase mula ika-11 hanggang ika-22 ng Marso.
- Kailangang nasa 5 hanggang 10 minuto lang ang gagawing pagtatanghal.
- Panonoorin sa klase ang nabuong bidyo sa ika-28 at 29 ng Marso.
- Sa araw ng panonood, may itatakdang grupo na siyang magbibigay ng puna sa napanood nilang bidyo ng ibang grupo at magbibigay rin sila ng grado batay sa mga pamantayang itatakda.
- Narito ang mga pagpapahalagang isasadula:
- Pakikipagsapalaran at Pagsasakripisyo
- Determinasyon
- Pagpanig sa Kabutihan
- Paggalang sa Nakatatanda at Nakatataas
- Wagas na Pagmamahal
- Matibay na Pananampalataya