Pagbuo ng Infomercial
Isa ito sa mga hindi ko malilimutang estratehiya na ginamit ko sa pagtuturo ng
gramatika - Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad.
Nasa bahagi ng integrasyon ang gawaing ito. Sa pamamagitan ng pagbuo ng infomercial, nakapagbigay ang mga mag-aaral ng mga tips sa mga kabataang humaharap sa iba't ibang problema at bigyan sila ng ideya / solusyon kung paano ito malalampasan. Gumamit ang mga mag-aaral ng mga "Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad " na kanilang natutunan sa unang salita sa tips na kanilang binuo bilang aplikasyon sa kanilang aralin sa gramatika.

Refleksyon : Naging kapaki-pakinabang para sa mag-aaral ang gawaing ito sapagkat naisabuhay nila ang paggamit ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad upang magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isyung panlipunang kinakaharap ng mga kabataan.
Husay KardAng paggamit ng Husay Kard ay isa sa mga naging paraan ng guro upang mahikayat ang mga mag-aaral upang magsalita ng wikang Filipino at makilahok sa lahat ng uri ng gawain at diskusyon sa loob ng klase. Narito ang mekaniks sa paggamit nito:
Sa taong ito, magkakaroon ng pagbabago sa ilang mekaniks na pagkamit ng STAR para sa Husay Kard:
Sa madaling salita, anumang pagsasalita na ginawa sa loob ng klase na MAY KINALAMAN sa paksa ay maaaring mabigyan ng STAR. ANO ANG GAGAWIN? Tulad ng nakaugalian, bawat isa ay may layuning makakuha ng 30 na STARS sa buong termino. Subalit limitado lamang sa 5 STARS ang pwedeng makuha sa bawat araw. Tandaan : Makukuha lamang ang malaking insentibo mula sa guro kung ang bawat isa ay makakukuha ng 30 na STARS sa loob lamang ng isang termino. MGA INSENTIBO! Perpektong sa isang iskor sa kolum ng Knowlegde. Karagdagang 5 puntos sa Understanding. |
Narito ang ilan sa mga naging bunga ng paggamit ng Husay Kard.
Isa ito sa mga pangkatang gawain ng mga bata noong ikalawang termino, dahil sa Husay Kard nagkaroon sila ng lakas ng loob upang mag-ulat sa harapan ng klase kahit na hindi sila ganun kagaling sa wikang Filipino.
Pangkatang Gawain
Sa pamamagitan ng mga iba't ibang mga pangkatang gawain, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang na magkaroon ng sariling pamamaraan upang mapagtagumpayan ang inaasahang pagkatuto o produkto na dapat na matamo ng bawat mag-aaral.
Bagamat nangangailangan ito ng mahabang panahon, malaki naman ang naging daan nito para madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa pamumuno, pagbabahagi ng kaalaman, pakikiisa at pagtutulungan upang matamo ang kanilang layunin.
Narito ang mga halimbawang pangkatang gawain na naisagawa noong unang termino.