Karanasan Ko , Bilang Tagapayo (T.P. 2015- 2016)
Hindi lang naman ako guro sa Filipino, ako rin ay isa ring tagapayo. Sa pahinang ito, nais kong ibahagi sa inyo ang aking makulay at iba't ibang mga karanasan sa ikapitong baitang.
Ito ang una kong pagkakataon na maging guro sa ikapitong baitang. Nasanay kasi akong humawak ng mga mag-aaral na nasa ikalawa - ikatlong taon sa hayskul.
Halika't tunghayan ang aking karanasan bilang tagapayo :)
Ito ang una kong pagkakataon na maging guro sa ikapitong baitang. Nasanay kasi akong humawak ng mga mag-aaral na nasa ikalawa - ikatlong taon sa hayskul.
Halika't tunghayan ang aking karanasan bilang tagapayo :)
Unang Araw! Maging PositiboMaging Positibo! :) Ito ang kauna- unahang tema sa unang araw ng aming pagkikita. Bakit? Naisip ko kasi ito ang unang taon ng mga mag-aaral na ito sa hayskul.Malamang samo't saring mga emosyon ang maaaring lumabas lalo na sa kanila. Bilang tagapayo, nais ko na maging magaan, masaya at positibo ang unang araw ng aming pagkikita.
Kaya tingnan mo naman, sa unang araw pa lamang ay nakuha na naming magpakuha ng kauna-unahang class picture! Masaya di ba?! |
Ang aking advisory class..7-F
Buwan ng Wika 2015 : Salo saloSino ba naman ang makalilimot sa pinakaabangang pagdiriwang ng mga mag-aaral sa buong paaralan sa Buwan ng Wika, ang pagsalo-salo.
Layunin ng programang ito na kilalanin at syempre kumain ng iba't ibang mga pagkaing pinoy kasama ang kani-kanilang kaklase. Napakasaya namin ng mga panahon na iyan sapagkat naging tema sa aming salo-salo ang "Karinderya ni Aling Ria" na kung saan dinisenyo ng mga mag-aaral ang klase na parang karinderya. |
Kitang- kita ang kaligayahan na bunga ng pagkain hihihihi!
Buwan ng Wika 2015 : Kasuotang Pinoy!Noong nakaraang taon, nabigyang ng pagkakataon para kilalanin ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang lebel sa hayskul na nagbigay ng kanilang lakas at paghahanda para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Narito ang mga batang nagwagi sa bawat seksyon na aking hawak mula sa 7-A, 7F - 7I. Ang gaganda't gwapo nila sa kanilang kasuotan hindi ba?! |
Retreat : Panahon ng Pamuni-muni
Isa ito sa mga karanasang hindi ko malilimutan kasama ang aking advisory class. Naku! dito ata nasubok ang aking pasensya dahil hindi talaga natulog buong magdamag. Marahil ito ang una nilang pagkakataon na sila ay mag-oovernight kasama ang kanilang mga kaklase.
Hindi ko itomalilimutan dahil sa gawaing ito ay mas lalo ko pa silang nakilala at mas lalo akong napamahal sa kanila. Naganap ang aming retreat- outreach noong unang termino na sa aking palagay ay napakaaga para sa pagkakaroon ng isang retreat. Pero kabaliktaran ata ang ang nangyari sa aking inaasahan, dahil sa gawaing ito mas lalo ko silang nakilala na naging daan upang mas lalo ko silang mahalin na para ko naring mga anak ;)
Batch Intramurals 2015
Alternative Learning Experience 2015
Ito ay naganap noong Pebrero 2016 sa Kidzania kung saan naging napakamakabuluhan at kawili- wili para sa mga mag-aara ang kanilang Fieldtrip.
Sa kanilang ALE, pinuntahan nila ang iba't ibang mga trabaho na nais nilang gawin o nais nilang maranasang gawin. Naglalaro habang natututo, ito ang aking deskripsyon sa gawaing ito. Hindi narin ako nakasama ng panahon na ito dahil ako ay 3 buwang buntis ;) |