“Pagtuturo ng El Filibusterismo
sa Makabagong Panahon ng Ika-21 Siglo”
Sino ba ang makapagsasabi na ang pagtuturo ng El Filibustersmo n gating Pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal ay maaaring ituro sa makabagong pamamaraan? Yung tipong, hindi tulad noong ako nasa hayskul pa na araw-araw ay kailangan mong magbasa ng 1 hanggang 3 kabanata para maunawaan ang kwento ng nobela. Hanggang sa ako ay naging guro ay ganito parin ay sistema o kalakaran. Ngunit…hanggang ganito na lang ba? Tulad ng nakalagay na larawan sa ibaba,kung ang mag-aaral ang mangunguna sa ating mundo, anong klaseng mundo ba ang nais nating magawa nila? Kung gayon, bilang guro, nararapat nating imulat ang mga kabataan sa katotohanan ng buhay at magbigay-daan at hamon ng pagbabago sa kinabukasan.
Sa aking MBLE, ipapakita ko sa inyo ng halimbawang estratehiya mula sa modyul na aking nilikha para sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo.
Sa aking MBLE, ipapakita ko sa inyo ng halimbawang estratehiya mula sa modyul na aking nilikha para sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo.
Sa simula pa lamang, inihanda ang daloy ng aralin sa paraang hindi tradisyunal na kung saan ang pagtuturo ay hindi nakatuon na lamang sa kwento bagkus binibigyang-diin dito ang pagsusuri / panunuring pampanitikan.
A.Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
a.1 El Filibusterismo bilang nobela
a.2 Buod ng nobela
a.3 Mga Kaisipan mula sa Akda
- Pagmamahal sa bayan
- Kapangyarihan ng Diyos
- Pagmamahal sa Wika
- Pagkamakabayan
- Pamamalakad ng Gobyerno
- Integridad
- At iba pa.
b.1 Batay sa ibang Akda
(Panonood ng Pelikula hal. On The Job ni Erik Matti)
b.2 Batay sa Teorya
· Realismo
· Romantisismo
· Klasismo
· Humanismo
· Feminismo
b.3 Batay sa Tauhan
- Kab. 4: Kabesang Tales
- Kab. 6: Si Basilio
- Kab. 7: Si Simoun
- Kab. 12: Placido Peninte
- Kab. 14: Sa bahay ng mga Mag-aaral
- Kab. 15: Si Ginoong Pasta
- Kab.16: Ang mga Kapighatian ng Isang Intsik
- Kab. 20: Ang Nagpapalagay
- Kab.30: Si Huli