Bawat taon, ang guro ay nagkakaroon ng mga karanasang di malilimutan sa larangan ng pagtuturo. Kasama na rito ang karanasan sa mga mag-aaral, sa mga guro, iba't ibang gawain sa paaralan at iba pa.
Sa pahinang ito, ibabahagi ng guro ang kanyang "Best Learning Experience" mula sa kanyang mga naging estratehiya sa larangan ng pagtuturo sa bawat taong nagdaan. Sinasabing "Best Learning Experience" dahil malaki ang naitulong nito sa guro sa kanyang pagtuturo partikular sa kanyang mga nahawakang estudyante. Ang mga ito ay maaaring makatulong rin sa kapwa guro sa Filipino o sa anumang asignatura.