NEXT GENERATION BLENDED LEARNING
tugon sa mag-aaral ng 21 siglo
Nakasaad sa misyon at bisyon ng paaralan ang “Pagsisikap nitong maisakatuparan ang tagumpay ng lasalyanong mag-aaral sa kanyang pagkatuto sa pamamagitan ng pagbuo ng kapaligirang pandaigdigang (world class) nakatuon sa mag-aaral (learner- centered) na magbibigay-daan sa makabuluhan at progresibong pagkatuto sa pamamagitan ng pormasyong holistiko (holistic formation) tungo sa pagbabago ng lipunan”.
Isa sa mga suliranin ng mga guro sa pagkatuto ng mag- aaral sa De La Salle Zobel ay ang kanilang asignatura sa Filipino. Bagamat ang mga mag-aaral sa elementarya ay umaabot ng pitong taon sa pag- aaral hindi parin nagiging bihasa ang mga bata sa wika sapagkat halos ang lahat ng mga mag- aaral ay unang wika ang Ingles at kahit papaano’y may kaalaman sa wikang Filipino partikular ang Tagalog. Bukod pa rito, Filipino lamang ang tanging asignatura na gumagamit ng wikang Tagalog. Samakatuwid, ito’y malaking hamon sa mga guro sa Filipino na ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkatuto at pagpapahalaga sa asignaturang nabanggit. At ang natatanging paraan ay ang pagbuo ng mga makabagong paraan sa pagtuturo ng Filipino partikular sa pagtuturo ng pagbasa ng panitikang Filipino mula sa Visayas.
Hindi maikakaila ang malaking hamong ito para sa mga guro sa Filipino na bumuo ng isang kagamitang pampagtuturo na magbibigay-tugon sa makabuluhang kaalaman at kasanayang nararapat na madebelop at matamo ng isang mag-aaral upang maisaalang- alang ang misyon at bisyong ito kasabay ang pabago-bagong teknolohiya, globalisasyon, kompetisyong lokal at internasyonal , pagbabagong merkado , problemang pangkapaligiran at political, at higit sa lahat pagpapahalaga at pagmamahal sa wika sa kasalukuyang panahon at sa hinaharap sa ika-21 siglo.
Binaggit rin sa artikulong, 21st Century Skills for Students and Teachers ng Pacific Policy Research Center (2010) , ang malaking hamon sa pagbabago mula sa paglikha at pagbibigay-diin sa mga makabagong kaalaman na dapat matamo upang magtagumpay ang isang mag-aaral sa ika-21 siglo.
“Today, much success lies in being able to
communicate, share, and use information to solve complex problems,
in being able to adapt and innovate in response to new demands and
changing circumstances, in being able to command and expand the
power of technology to create new knowledge.”
Samakatuwid, marami ang mga dapat na isaalang-alang ng guro sa kanyang ihahandang kagamitang pampagtuturo. Una, ang mga konsepto at kasanayang matututunan ng isang mag-aaral sa loob ng klasrum ay nararapat na makatutulong upang mapagtibay ang mga kasanayang dapat na matamo at mapaunlad upang maihanda sa ika-21 siglong pamumuhay, trabaho at mamamayan.
Ayon sa aklat na The Global Achievement Gap ni Tony Wagner (2008), binanggit niya ang pitong kasanayang dapat na matamo ng isang mag-aaral sa ika-21 siglo:
1. kritikal na pag-iisip at kakayahang mag-resolba ng problema
2. pakikiisa at pamumuno
3. kakayahang umayon
4. may pagkukusa at entreprenyur na pag-iisip
5. mahusay sa komunikasyon – pasulat man o pasalita
6. kakayahang kumuha at mag-analisa ng impormasyon
7. may kuryosidad at imahinasyon
Ikalawa, hindi sapat ang pagkuha ng mga kasanayang ito kung ang pagkatuto ay hindi awtentiko at hindi rin magagamit sa tunay na buhay kung kaya’t binigyang-diin sa pag-aaral ni Lombardi 2007 sa kanyang papel na, Authentic Learning for the 21st Century: An Overview, ang kahalagahan na nararapat na nakatuon ang mga aralin at pagtuturo ay angkop at may koneksyon sa tunay na buhay, pagsagot o pagresolba sa mga problemang kinakaharap sa lipunan at pagbibigay solusyon gamit ang iba’t ibang gawain tulad ng role- playing , mga gawaing problem-based , case studies at pakikipag-ugnayan sa birtwal na komunidad.
Ikatlo, binanggit rin sa blogazine ni Jim Bellanca , Partnership for 21ST Century Learning, P21, ang malaking bahagi at paggamit ng napakaraming impormasyon mula sa midya at teknolohiya sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Ayon sa kanya, upang maging ganap at epektibong mamamayan at manggagawa ngayong 21-siglo nararapat na sila ay may kakayahang bumuo, mag-ebalweyt, at napapakinabangan nang maigi ang mga impormasyon mula sa midya at teknolohiya.
Hindi maikakaila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malawak na kaalaman at kahusayan sa paggamit ng mga impormasyon mula sa midya at paggamit ng teknolohiya na isa ring karagdagang napakalaking hamon para sa mga guro sa Filipino lalo pa’t ang mga mag-aaral sa kasalukuyan ay talagang sanay na sanay sa paggamit ng teknolohiya bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Bilang guro sa ika-21 siglo, inaasahan ang paggamit ng teknolohiya bilang bahagi ng kanilang pagkatuto sa pamamagitan ng paghahanap ng iba’t ibang Learning Management System (LMS) –napakaraming makabagong LMS ang kasalukuyang ginagamit para sa pagtuturo at pagkatuto ilan sa mga ito ang mga sumusnod : Moodle, Edmodo, Blackboard, Google classroom, Schoology and Gooru , interaktibong gawain mula sa internet at iba pang mga gawain mula at gamit ang teknolohiya. Ayon sa pananaliksik na naisagawa ng Becta (2010), binanggit sa kanilang dyornal na 21st century teacher ang kabutihang naidudulot ng paggamit ng teknolohiya sa mga mag-aaral:
Upang matugunan lahat ng mga ito, inaasahang ang guro na makapag-isip at makabuo ng isang epektibong kagamitang pampagtuturo na siyang magiging daan upang mailagay ang iba’t ibang makabuluhang istratehiya at dulog na makatutugon sa mga mag-aaral sa 21 siglo. Dagdag pa rito, kinakailangan ring mapagplanuhan nang maigi ng guro ang mga nararapat na aktibidad upang ang pagkatuto ay mapagtibay at magamit ng pangmatagalan at tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo.
Inulunsad kamakailan ng Paaralang De La Salle Santiago Zobel ang Next Generation Blended Learning Framework (NxGBL), hango sa dulog na Blended Learning, isang programang pang-edukasyon na kumikilala sa kahalagahan ng harapang pagtuturo (face-to-face instruction) at ng elektronikong pagkatuto (e- learning) bilang pagtugon sa pagkatuto sa 21- siglong mag-aaral (21st Century Learners). Wala mang tiyak na makapagsasabi sa kung anoman ang ispesipikong depinisyon ng programang pang-edukasyong ito subalit hindi pa rin maikakaila ang layunin nito, ayon sa depinisyon ni Singh (2003),
“The concept of blended learning is rooted in the idea that learning is not just a one-time event—learning is a continuous process. Blending provides various benefits over using any single learning delivery medium alone.”.
Sinang-ayunan pa ito ni Dziuban, Hartman at Moskal (2004):
“Blended learning should be viewed as a pedagogical approach that
combines the effectiveness and socialisation opportunities of the classroom
with the technologically enhanced active learning possibilities of the online
environment, rather than a ratio of delivery modalities.”
Dahil ang Blended Learning ay naging makabagong dulog na ginagamit ng mga guro sa Filipino sa kasalukuyan, susubukan ng mananaliksik na bumuo ng isang kagamitang pampagtuturo partikular ang modyul upang matugunan ang mga kasanayang dapat na matamo sa ika-21 siglo. Napili ng mananalik ang pag-aaral na ito dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: (1) limitado ang mga kagamitang pampagtuturo sa Filipino na tumutugon sa dulog na blended learning. (2) kakaunti lamang ang nagkakaroon ng interes na mag-isip ng makabagong paraan kung paano ituturo ang panitikang Filipino gamit ang elektoniko partikular ang paggamit ng iba’t ibang mga learning management system at (3) makapagbigay ng inspirasyon sa mga kapwa guro na magkaroon ng inobasyon sa pagtuturo sa Filipino na tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo.

- mahikayat ang mga mag-aaral at maengganyo silang matuto
- mapataas ang lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral
- magbigay ng makabuluhang hamon tungo sa pagkatuto
- personal/ indibidwal na pagkatuto at mabigyan ng pagkakataon na mailahad ng mag-aaral ang nais niyang sabihin
- mapadali ang mahihirap na konsepto dahil sa kakayahang makapanaliksik gamit ang internet
- makatipid sa panahon at mas maging epektibo
- maging daan sa bukas na komunikasyon sa mga magulang at magpaabot ng karagdagang kaalaman
- magtulungan ang kapwa mag-aaral sa kanilang pormal na pagkatuto
- kakayahang maabot ang “mahirap – maabot”