Karanasan sa taong 2017- 2018
Hindi ako tagapayo ngayong akademikong taon. Subalit marami pa ring mga resposibilidad ang mga nakaatang sa akin tulad na lamang ng pangangailangan kong matapos ang aking pag-aaral sa gradwado gayundin ang pagiging matagumpay na guro sa Special Filipino Class - Intermediate Level.
1. Paglalakbay tungo sa Gradwadong Pag-aaral
Hindi naging madali ang daan sa pagtahak ng mga pangarap. Isa na dito aking pag-aaral sa gradwado. Matapos ang aking isang taong pamamahinga mula sa aking Maternity Leave, bumalik muli ako sa pag-aaral at kinakailangan ko ngang kumuha na ng 9 units na refresher course. Bilang baguhang ina at nag-aaral, hindi ito naging madali sa akin sapagkat kailangan kong isakripisyo ang aking bakasyon upang makasama ang aking anak para lamang makapasok sa paaralan. Napakahirap. Sa awa ng Diyos, natapos ko ito. Napakalaking tulong sa akin ang refresher course na ito sapagkat nabiyayaan ako ng masipag at maaalalahaning propesor na naging malaking bagay sa akin upang magkaroon ng inspirasyon upang ituloy ang pagsisimula ng pagsulat ng tesis. Sa wakas, batay na rin sa larawan ay naisagawa ko ang aking title defense na may pamagat na "Silabus sa Pagtuturo ng Filipino bilang dayuhang wika". |
Setyembre 2018 - Pumasa ako sa aking title defense
"Silabus sa Pagtuturo ng Filipino bilang Dayuhang Wika" Tag-init ng 2017 - Pagkuha ng Refresher Course
|
2. Pagbabalik sa Pagtuturo ng Special Filipino
Matapos ang rin ang ilang taon, ito na naman muli ang pagkakataon upang magbalik sa pagtuturo ng Special Filipino. Ito ay bilang tugon sa pagbabago ng programa na hahatiin ang mag-aaral sa tatlong lebel - beginning at intermediate. Ngayong taon ay hindi muna nagkaroon ng lebel para sa advance upang magkaroon rin ng ebalwasyon kung ano nga ba ang kakayanan ng mga mag-aaral na kanilang natamo sa mga naunang taon. Narito ang ang aking klase sa intermediate level.
Sa totoo lamang ay nagkaroon ng pagkasabik sa aking puso dahil sa aking muling pagbabalik sa pagtuturo ng Special Filipino. Mas naging organisado ngayong taon sapagkat hinati sa dalawang lebel ang programa- beginning at intermediate. Sa beginning level, pinamunuan ito ni gng. Bongao at ako naman sa intermediate level. Nakatulong ng malaki ang ganitong istruktura ng klase ang matutukan ang nararapat na matamo ng mag-aaral sa pagkatuto sa Filipino.
Bago rin ang klasrum na inilaan ngayong taon. Magandang oportunidad upang magkaroon ng pormal na klase na hindi nakikihati sa iba pang mga programa ng paaralan. Magkasama sa klase sa umaga ang ikapito at ikawalong baitang samantalang magkasama naman ang ikasiyam at ikasampung baitang sa hapon.
Bago rin ang klasrum na inilaan ngayong taon. Magandang oportunidad upang magkaroon ng pormal na klase na hindi nakikihati sa iba pang mga programa ng paaralan. Magkasama sa klase sa umaga ang ikapito at ikawalong baitang samantalang magkasama naman ang ikasiyam at ikasampung baitang sa hapon.
Mag- aaral sa Grade 7 at Grade 8
Mag-aaral sa Grade 9 at 10
3. Pagkakataon upang maging Hurado sa programa sa BRAFEHNS
Kauna-unahang pagkakataon na ako'y maging isang hurado sa isa mga patimpalak sa buwan ng Nutrisyon ngayong taon. Pasasalamat kay Bb. Roseti Sison, isa sa mga naging punong abala sa programang ito.
Bawat mag-aaral ay binigyan ng pagkakataon upang magsagawa ng kani-kanilang mga sariling talumpati tungkol sa tema ng kahalagahan ng kalusugan - tamang diet.
Narito ang ilan sa kanilang mga kaganapan.
Bawat mag-aaral ay binigyan ng pagkakataon upang magsagawa ng kani-kanilang mga sariling talumpati tungkol sa tema ng kahalagahan ng kalusugan - tamang diet.
Narito ang ilan sa kanilang mga kaganapan.
Narito ang halimbawang video :
4. Institutional Concert
Pinakaabangan ng mga mag-aaral. Taon-taon ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga guro upang ipakita ang kani-kanilang mga natatanging talento. Ang benepisyaryo ng mga gawaing ito ay ang One Lasalle na kung saan marami sa mga kabataang Pilipino ang makapag-aral sa BRAFEHNS. Ang ilang bahagi rin ay mapupunta sa mga guro bilang bahagi ng kanilang Lakbay - Aral na nagaganap tuwing tag-init ( summer).