Ang Intesyonal na Guro
Isa sa ipinagpapasalamat ko sa Diyos ay nilikha niya ako upang maging guro. Marahil ito na talaga ang masasabi kong aking “Ministry” habang ako ay nabubuhay. Subalit ngayong taon ay napapaisip ako. Ano kayang klaseng guro ako ngayong taon. Dahil sa mga malaking pagbabago at hamon para sa akin ang malaking pagbabago sa larangan ng edukasyon nais kong tawagin ang aking sarili na isang “Intensyonal na Guro”. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Hindi nga ba’t lahat naman ng guro ay mayroong intensyon sa kanilang mga itinuturo?
Noon pa man…
Sa pagtuturo hindi lamang sa larangan ng akademiko ang dapat na bigyang- tuon. Maraming pagkakataon din na itinuturo nararapat na ipaalam sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting asal na may takot sa Diyos at pagiging mahusay sa lahat ng ginagawa. Masasabi kong naging mas intensyonal ako ngayong taon dahil sa nais kong mangyari o matutunan ng mga mag-aaral. Dahil naniniwala rin ako tulad ng binabanggit sa 21st Century Learning na ang pagkatuto ay dapat nagagamit sa buhay ng tao hindi lamang sa loob ng silid-aralan. Kaya nga’t sa aking portfolio, maingat kong pinaghandaan ang mga kagamitan sa pagtuturo at mga aktibidad na pwedeng gawin ng mga mag-aaral sa kanilang aralin sa Filipino. Syempre sa tulong ng aking kapareha na si G. Villanueva ay naging matagumpay ang aking naging adhikain sa taong ito.
Mahirap na masaya…
Mahirap na masarap ang pagiging guro lalo na kung ito mula sa iyong puso. Kinakailangan mong maging positibo sa bawat pagkakataon lalo na sa mga panahon iniisip mo na may kabuluhan pa ba ang iyong ginagawa lalo pa’t hindi mo malinaw na nakikita ang resulta. Pero naniniwala pa rin ako na , marahil hindi ko man makita ang bunga ng aking pinaghirapan kaya’t Diyos na lamang ang bahala. Ang mahalaga ay nagawa ko ang aking bahagi ng buo kong puso at taas noo kong masasabi na ako ay tunay na naging intensyonal na guro.

Sa portfolio…
Makikita mo ang intensyonal na paraan ng paghahanda ng guro mula pa lamang sa mga karanasan kasama ang mga mag-aaral gayundin ang mga pinaghandaang mga kagamitan at pamamaraan ng guro sa kanyang pagtuturo. Nawa’y magsilbing inspirasyon din ito sa ibang mga guro na maging intensyonal para sa ikauunlad ng inyong sarili bilang guro higit lalo ang mga mag-aaral na ipinahiram sa atin ng Panginoon.