Magandang Araw!
Isang taon ang muling nakalipas. Maraming kaganapan sa pagtuturo at pagkatuto ang muling naranasan at nasilayan ng inyong tagapaglingkod- ako! J
Mula sa nabasang kong quote mula sa google, “Who dares to teach must never cease to learn”. Ang pagtuturo ay walang katapusang pag-aaral at pagbabahagi ng iyong nalalaman sa kabataan. Kaya nga’t sa bawat pahina ng aking inihandang portfolio ay makikita mo ang kalipunan ng mga iba’t ibang mga kagamitang pampagtuturo na aking ginamit noong nakaraang akademikong taon na aking ibinahagi sa aking mga mag-aaral sa ikatlong taon. Masisilayan mo rin ang kanilang mga naging awtput na nagpapakita ng kanilang pag-unlad sa pag-aaral ng Filipino.
Syempre, hindi ko rin kinaligtaan ang iba’t ibang makukulay na mga karanasan ko bilang isang guro sa loob at labas ng paaralan.
Nawa’y ang pagsilip mo sa aking portfolio ay magbigay sa iyo ng inspirasyon upang mas maging mabuting guro at magbigay hamon para sa iyo na umisip at bumuo ng mga makabagong paraan ng pagtuturo.
Maligayang paglalakbay sa aking munting portfolio!